Home Features 6 pulis sibak! Radyo Pilipinas reporter kinulong dahil walang face mask

6 pulis sibak! Radyo Pilipinas reporter kinulong dahil walang face mask

399
0

Tanggal sa kanilang pwesto ang anim na pulis kasunod ng pag-aresto sa isang reporter ng Radyo Pilipinas.

Hinuli ng pulisya si Lorenz Tanjoco, beat reporter sa Manila Police District, dahil sa hindi pagsusuot ng face mask sa Pandacan, Manila noong Biyernes.

Matatandaan na pinagbawal ang pag-aresto sa mga lalabag sa quarantine protocol kasunod ng pagkasawi ng ilang hinuli matapos na parusahan ng mga pulis.

Halos 10 oras dinetine si Tanjoco bago ito palabasin sa presinto.

Kasama sa mga nasibak ay si Lt. Joel PiƱon, hepe ng Beata Police Community Precinct, Senior Master Sgt. Jonathan Hernandez, Cpl. Charles Dela Torre, Patrolman Marvin Comboya, Patrolman Jonathan Abad at Senior Sgt. Anthony Geronimo.

Iniimbestigahan pa ang anim na pulis at inilipat muna sa MPD Directorate for Investigation and Detective Management Division.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

twenty − three =