Home Features All-out support sa maid ikinasa! Raffy Tulfo babanggain anak ni Lucio Tan

All-out support sa maid ikinasa! Raffy Tulfo babanggain anak ni Lucio Tan

30
0

Para kay Raffy Tulfo, ‘test case’ para sa kanyang programang ‘Wanted sa Radyo’ ang kaso ng isang kasambahay kontra sa anak ng bilyonaryong si Lucio Tan.

Sa episode ng ‘Wanted sa Radyo’, sinabi ni Rocelle Siay na itutuloy niya ang pagsasampa ng kasong grave threat laban kay Timmy Tan.

Ito’y nag-ugat matapos siyang pagsisigawan ni Timmy dahil sa pagluluto ng hotdog para sa umano’y babae ng kanyang amo. Narinig sa video na kuha ni Rocelle na pinababaril siya ni Timmy sa bodyguard nito.

“Willing po akong sampahan siya ng kaso. Hindi po ako magpapaareglo katulad ng iniisip ng marami na pera-pera lang at uurong ako, hindi po ganon,” giit ni Siay.

“Natatakot po ako. Wala po akong maayos na tulog simula nung mangyari yon,” aniya pa.

Nangako si Raffy Tulfo na kanyang sasagutin ang titirahan ng kasambahay habang gumugulong ang kaso para masiguro ang kaligtasan nito.

Ayon pa kay Rocelle, marami na umanong nakikipag-usap sa kanya para makipag-ayos, kasama na rito ang isang barangay official, ngunit gusto talaga ng kasambahay na maparusahan ang kanyang dating amo.

Siniguro din ni Tulfo na susuportahan si Rocelle sa laban nito kontra sa mayamang negosyante, at hindi rin uurungan ang sinampang cyberlibel ni Tan laban sa maid.

Nanawagan din ng suporta si Tulfo sa kanyang 21 milyong subscriber para tutukan ang kaso, at masigurong magiging patas ang magiging hatol ng korte lalo’t kaharap ang isang maimpluwensyang pamilya.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

thirteen − four =