Home Features Antiporda aminadong may impluwensya para ma-admit sa ospital

Antiporda aminadong may impluwensya para ma-admit sa ospital

419
0

Tinamaan ng COVID-19 si Department of Environment and Natural Resources Usec. Benny Antiporda.

Kinumpirma ito ng tabloid columnist sa kanyang Facebook post, kung saan nabanggit din nito na kaya niyang gamitin ang kanyang impluwensya para matanggap sa mga ospital.

“SA DAMI PO NG KAIBIGAN AT TAONG NATULUNGAN KO SIGURADO PO AKONG HINDI KAMI MAPAPAHINDIAN, BILANG PATUNAY MAY KUWARTO PONG MAAARING IPAGAMIT SA AKIN SA CAPITOL MEDICAL HOSPITAL…” ayon kay Antiporda.

Ngunit aniya, mas pinili niyang ibigay na lang ang kuwarto sa isang senior citizen na ina ng isang media worker.

“MAS MINARAPAT PO NAMING MAG ASAWA NA SA BAHAY NA LAMANG KAMI MAKIKIPAG SAPALARAN, MAY AWA ANG DIYOS!!!” lahad pa ng DENR official.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

16 + 13 =