Sa ika-49 anibersaryo ng Martial Law, hati muli ang mga Pilipino kung ano ang paniniwalaan: ang ‘kwento’ ng matatanda o ang mga numero.
Kaya payo ni Atom Araullo, mas mabuting alamin ang tunay na nangyari sa rehimeng Marcos sa pamamagitan ng mga numero at facts.
“In the face of aggressive revisionism, both deliberate and inadvertent (but mostly deliberate), it’s important to revisit the facts and review the lessons we’ve learned from the dark years of the Marcos dictatorship,” saad sa tweet ni Atom.
Bilang gabay na rin sa kanyang mga followers, inilagay ni Atom sa naturang tweet ang episode ‘Big Steal’ mula sa Vice Asia kung saan na-feature ang katotohanan sa yaman ng mga Marcos.
In the face of aggressive revisionism, both deliberate and inadvertent (but mostly deliberate), it’s important to revisit the facts and review the lessons we’ve learned from the dark years of the Marcos dictatorship. Here’s one succinct presentation: https://t.co/6Hy2XAVZw2
— Atom Araullo (@atomaraullo) September 19, 2021