Dahil ngayon pa lamang ay mainit na ang usapin tungkol sa 2022 elections ay naghayag agad ng saloobin si Arnold Clavio tungkol sa dapat maging katangian ng mga botante.

Sa pananaw ni ‘Igan,’ matalinong botante ang kailangan sa 2022.

Sa isang Instagram post nitong Hulyo 24, pinakita ni Clavio ang larawan ni Presidential Spokesperson Harry Roque kung saan nakalagay ang dalawang magkaibang sinabi nito pagdating sa pagsuporta kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Isa sa mga nilagay ni Clavio ang pahayag ni Roque noong 2016 na nagsasabing hindi dapat iboto si Duterte sapagkat mamamatay-tao ito.

Nakalagay din ang isa pang pahayag ni Roque noong 2018 kung saan kumambyo ito at tila masaya pang naglilingkod sa pangulo.

Kaya naman bumanat ng pasaring si Clavio.

“Dapat tayong maging mulat sa mga lumalabas sa bibig ng ating mga leader. Hindi ito fake news. Nanggaling mismo ito sa mga nagiging pekeng tao na hindi kayang panindigan ang kanilang mga sinasabi,” saad sa caption ni Clavio.

View this post on Instagram

A post shared by AkosiiGan😎 (@akosiigan)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *