Iba ang kutob ng sports analyst na si Charles Tiu sa susunod na hakbang ni Senador Manny Pacquiao.
Nitong Miyerkoles ay pormal na inanunsyo ni Pacquiao ang kanyang pagreretiro sa boxing.
Si Pacman ay 42-anyos na at kita naman sa huli niyang laban na ‘di na ito tulad ng dati.
Ngunit inanunsyo na rin ng boxer-senator na tatakbo siyang pangulo sa 2022.
Kaya naman, iba ang tingin ni Charles sa gagawin ng Pambansang Kamao.
“Saw the news about Pacquiao’s retirement from boxing. Bummed about that. Everything must come to an end I guess. Although my gut feel is if he doesn’t win in the elections, he’s fighting one more time,” saad sa tweet ni Charles.
Saw the news about Pacquiao’s retirement from boxing. Bummed about that. Everything must come to an end I guess. Although my gut feel is if he doesn’t win in the elections, he’s fighting one more time.
— Charles Tiu (@charlestiu) September 29, 2021
Malaki ang hamon ng pagkapangulo para kay Pacquiao sapagkat ang mga tulad nina Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio at dating senador Bongbong Marcos ang nangunguna sa huling Pulse Asia survey.