Home Features Balik politika! Noli de Castro tatakbong senador

Balik politika! Noli de Castro tatakbong senador

382
0

Mukhang ‘di pa tapos ang laban ni Kabayan Noli De Castro sa mundo ng politika.

Ayon sa ulat ng Politiko, tatakbong senador si Kabayan sa 2022 elections, kung saan maaari siyang maging parte ng Lacson-Sotto o ng Moreno-Ong tandem.

Mayroon pa umanong dalawang slot sa senatorial slate ng Lacson-Sotto tandem, samantalang wala pang inaanunsyo ang tambalan nina Moreno at Ong.

Si De Castro ay sumabak sa 2001 elections bilang senador at nanguna sa botohan.

Matapos ito, sumalang siya sa vice presidential race noong 2004 at nagwagi.

Bumalik si Kabayan sa mundo ng broadcasting matapos ang kanyang termino noong 2010.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

twenty + 4 =