Home Features Batak! Kuya Kim mala-‘Bruce Lee’ ang katawan

Batak! Kuya Kim mala-‘Bruce Lee’ ang katawan

365
0

Kinaaliwan ng kanyang mga Instagram follower ang isang pinost na larawan ni Kim Atienza nitong Miyerkoles.

Ang larawang pinost kasi ng TV host/newscaster ay isang edited na larawan ng yumaong martial artist na si Bruce Lee.

Sa larawan kasi ay mukha ni Kuya Kim ang pinalit niya sa mukha ni Bruce Lee.

Nagmistula tuloy na maskulado at buong-buo ang abs ni Kuya Kim.

Kaya naman gayon na lamang ang aliw ng ilang netizens sa kanya.

“Batak,” maiksing caption ni Kuya Kim sa larawan.

Ngunit hindi man kasing tigas at tikas ni Bruce Lee ang kanyang katawan, sinisiguro ni Kuya Kim na malusog ang kanyang pangangatawan, na pinapakita niya sa kanyang mga vlogs at IG posts.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

8 + 17 =