Home Features Bernadette Sembrano: PNoy mana kay Cory Aquino

Bernadette Sembrano: PNoy mana kay Cory Aquino

422
0

Inalala ni ABS-CBN journalist Bernadette Sembrano ang mga sandali na nakasama niya si dating Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III.

Sa TeleRadyo, nilarawan ni Sembrano na ‘simpleng simple’ lang noon si Noynoy noong mga panahong magkasintahan pa sila.

Ayon kay Bernadette, mahiyain noon si PNoy at ayaw sa atensyon, manang-mana sa kanyang ina na si dati ring Pangulong Corazon Aquino.

“Ayaw niyang umeeksena. Kapag may mga ganap sa okasyon, makikita mo ‘yung awkwardness kapag siya ang nabibigyan ng attention. Hindi niya rin gusto na siya ang nakapronta,” sambit ni Bernadette.

Kabaligtaran daw ito ng kaugalian ng kanyang ama na si dating Senador Ninoy Aquino na katulad naman ni Kris Aquino sa pagiging maboka.

“[Si PNoy] mas nakuha niya ‘yung trait ng mama niya na parang ayaw na umeeksena, mas mahiyain. ‘Yung mas vocal, ‘yun ‘yung mas Kris Aquino,” kuwento ni Bernadette.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

twelve + 18 =