Home Features Bianca Gonzalez: Bumoto sa 2022!

Bianca Gonzalez: Bumoto sa 2022!

287
0

Nais ni Bianca Gonzalez ng pagbabago pagsapit ng 2022, kaya’t tumutulong siya sa simpleng paghihikayat sa publiko na bumoto.

Sa isang tweet nitong Agosto 13, pinaalala ni Bianca sa kanyang mga followers na huwag kalimutang magparehistro para makaboto.

“September 30 ang last day to REGISTER TO VOTE. Ibigay natin ang boto natin sa mga tao na pananagutin ang mga kumukurakot ng buwis ng bayan,” saad sa kanyang tweet.

At bakit nga naman hindi hihikayatin ng TV host na magparehistro at bumoto ang publiko? Sa isa pang tweet, inihayag niya kung gaano siya ka-dismayado sa napabalitang mismanaged funds ng Department of Health.

“Yung nabasa mo yung balita ng 65 BILLION PESOS mismanaged funds ng DOH tapos nakita mo yung buwis na kailangan mong bayaran mula sa sweldong pinaghirapan,” pahayag pa nito.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

5 + 20 =