Nagpasaklolo sa mga netizen si Jacque Manabat dahil biglaan nalang umanong dumami ang kanyang mga social media follower.

Ayon sa reporter, kakaiba ang pagdagsa ng mga bagong follower dahil karamihan umano dito ay random na letra at numero ang bumubuo sa mga pangalan.

Mukha rin daw na bagong gawa lang ang account ng mga ito at hindi mukha ng tao ang profile picture.

“Did you also recently experience a surge of new social media followers with names composed of random letters & numbers? It seems that they recently created their accounts bearing profile photos that are either places, pets, flowers, old portraits, or statues,” pahayag ni Manabat sa kanyang tweet nitong Hulyo 13.

“If you have any tips on this phenomenon, DM me,” saad naman sa pagretweet niya ng naunang post.

Kasalukuyang may mahigit 30,000 followers sa Twitter si Manabat.

Tingin naman ng mga netizen, posibleng dahil sa papalapit na eleksyon kaya biglang naglipana ang mga dummy account.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *