Home Features Broadcaster Rey Cortes pinatay sa radio station

Broadcaster Rey Cortes pinatay sa radio station

293
0

Pinagbabaril ang isang radio commentator, na kakatapos lang umere, nitong Huwebes ng umaga sa Cebu City.

Kinilala ang biktima na si Rey Cortes, blocktimer para sa dyRB, habang hindi pa natutunton ang mga suspek.

Bandang alas-8:57 naganap ang pamamaril sa labas ng istasyon ng dyRB sa N. Bacalso Avenue, Brgy. Mambaling.

Ayon kay Cebu City councilor David Tumulak, na may programa din sa naturang istasyon, kinaladkad umano si Cortes ng dalawang lalaki sa labas ng radio station bago ito binaril.

Sinugod si Cortes sa Cebu City Medical Center ngunit dineklarang dead-on-arrival dahil sa mga tama ng bala sa braso at dibdib.

Bago maging commentator sa dyRB ay nagsilbi ring reporter si Cortes sa Bombo Radyo Cebu.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

three × 4 =