Home Features Ces Drilon maririnig ulit sa AM radio

Ces Drilon maririnig ulit sa AM radio

21
0

Magbabalik sa isang public service program sa AM radio ang batikang broadcaster na si Ces Oreña-Drilon.

Ibinahagi ni Ces sa kanyang Instagram post kamakailan na sa Hulyo 26 magsisimula ang kanyang programa sa radyo kung saan makakatambal niya si Ang Probinsyano party-list Rep. Alfred Delos Santos.

Pahayag ni Ces, ang programa ay eera sa DZXL mula alas-1:30 p.m. ng hapon hanggang alas-2:30 p.m. ng hapon mula Lunes hanggang Biyernes.

“This marks my comeback on AM radio! Starting July 26, I will be co-hosting #bastapromdilodi, a new daily radio show on #DZXL,” saad sa post ni Ces.

“It’s a public service show which puts the spotlight on our provinces and the concerns of promdis. Am so excited!” dagdag pa nito.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

four × five =