Home Features Ces Drilon sa partido ni Marcos: Propaganda para mapabango diktador

Ces Drilon sa partido ni Marcos: Propaganda para mapabango diktador

36
0

Inilarawan ni Ces Drilon na hindi totoo ang mga salitang ‘bagong lipunan’ sa partidong Kilusang Bagong Lipunan (KBL).

Ito ay kaugnay ng pag-nomina ng KBL kay dating senador Bongbong Marcos bilang presidential candidate sa 2022.

Ang KBL ay binuo ng dating presidente Ferdinand Marcos.

Para kay Ces, propaganda lamang ang mga salitang ‘bagong lipunan.’

“Mabuti na din na KBL para maalala ninyo na propaganda lang ang term: ‘bagong lipunan’ para mapabango ang isang diktador,” saad sa tweet ni Ces noong Setyembre 24.

Gayundin, may payo rin siya sa mga kabataan na ‘di na inabot ang Martial Law.

“Mga kabataan, magbasa-basa at mag research para malaman ang totoo,” pahayag pa ni Ces.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

5 × 5 =