Papasok nga ba sa politika ang kilalang mamamahayag na si Ces Oreña-Drilon?
Sa report ng Politiko, pinag-aaralan umano ng dating ABS-CBN broadcaster ang pagtakbo bilang senador sa 2022 national elections.
Ito’y matapos na mahingi ang basbas ni Senate Minority Floor Leader Frank Drilon sa posibilidad na pagsubok sa Senado ng beteranang newscaster.
Hindi makatatakbong senador si Frank matapos magsilbi ng dalawang term sa Senado, at posibleng si Oreña-Drilon ang maging susunod sa yapak niya si Ces.
Si Ces ay naging asawa ng pamangkin ni Frank na si Rock Drilon, isang kilalang pintor.
Hindi pa klaro kung magiging independent o sasapi si Ces sa opposition coalition na 1Sambayan lalo’t vice chairman ng Liberal Party si Frank Drilon.