Mukhang mabibilang sa daliri ang mga journalist na pumapanig sa TV host na si Toni Gonzaga kaugnay ng naging panayam niya kay dating senador Bongbong Marcos.
Kabilang sa mga nagkaroon ng negatibong impresyon sa panayam ang ABSCBN reporter na si Jervis Manahan at journalist na si Danilo Arao.
Para sa kanila, hindi neutral ang panig ni Toni dahil pinalakas lang nito ang propaganda ni Marcos at hinayaan ang historical revisionism.
Hindi rin daw pwedeng maging neutral sa usapin ng Martial Law, na pinatupad ng ama ng dating senador.
“There’s a difference between doing interviews with a critical line of questioning to unveil the truth and hold the person accountable; with doing interviews to enable historical revisionism, trumpet lies, and amplify propaganda,” saad sa tweet ni Jervis.
“Know where you should stand,” dugtong pa niya.
“The fundamental issue with THAT interview with the dictator’s son is that he should not be given a platform to engage in historical distortion. The interviewer should realize that we cannot be neutral about what happened during Martial Law,” pahayag naman ni Arao.
Si Marcos ay ninong ni Toni sa kasal at nagpahayag na rin ng posibilidad na tumakbo sa 2022 elections.
INTERVIEWING 101: The fundamental issue with THAT interview with the dictator's son is that he should not be given a platform to engage in historical distortion. The interviewer should realize that we cannot be neutral about what happened during Martial Law.
— Danilo Arao (@dannyarao) September 15, 2021