Home Features Davila kinuwestiyon ambush kay Andaya: Totoo ba o PR lang?

Davila kinuwestiyon ambush kay Andaya: Totoo ba o PR lang?

140
0

Napatanong si ABS-CBN journalist Karen Davila kung tunay ba ang nangyaring ambush kay dating Camarines Sur 1st District Rep. Rolando Andaya.

Martes nangyari ang ambush nang paulanan ng hindi pa nakikilang mga gunman ang sasakyan ni Andaya sa Pili, Camarines Sur.

Hindi nasaktan ang dating kongresista sa ambush, na pangalawang beses nang pagtangka sa kanyang buhay,

Hirit ni Davila, kuwestiyonable ang naturang ambush kay Andaya at napatanong kung para lang ba ito sa PR o para mapag-usapan muli.

Nitong Huwebes kasi, dalawang araw pa lang ang nakalilipas ay lumipad na patungong Davao si Andaya kung saan binida nito ang posibilidad na tandem ni Mayor Sara Duterte at ex-defense secretary Gibo Teodoro para sa 2022 elections.

Kasama ni Andaya papuntang Davao si Teodoro, kung saan maraming netizen ang napaisip dahil sa caption na ‘done deal’ ng dating mambabatas.

Paliwanag ni Andaya, ang kanyang ‘done deal’ caption ay dahil ‘napanaginipan’ niya raw ang tandem nina Sara at Gibo.

“‘Yung done deal na sinasabi ko, sa isip ko ‘yun. Dahil itong tandem na ito, napanaginipan ko lang ‘yun na mangyayari ito at nangyari na nga,” paliwanag ni Andaya.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

five × four =