Home Features Dedma sa naagrabyadong rider! Raffy Tulfo binanatan FoodPanda

Dedma sa naagrabyadong rider! Raffy Tulfo binanatan FoodPanda

443
0

Tinawagan ng pansin ni Raffy Tulfo ang FoodPanda dahil sa isang rider na naiipit sa panlolokong nangyari sa delivery app.

Dumulog ang rider na si Jeffrey Salamat kay Tulfo matapos na ikansela ng isang customer abroad ang na-deliver ng order.

Dalawang beses na umano ito nangyari sa kanya, na nangyari sa parehong kamag-anak ng customer.

Sa Part 2 ng reklamo sa Raffy Tulfo in Action, pinuna ng public affairs host ang delivery service company dahil hindi umano sila kinakausap para sa hinaing ng kanilang rider.

“Sa oras ng isang sitwasyon kung saan naiipit po ang inyong rider… kailangan po nandyan kayo para depensahan, tayuan ang inyong rider,” giit ni Tulfo. “Pero sa nakikita ko, itong FoodPanda, hindi eh.”

“Ilang beses na po naming tinangkang kontakin ang FoodPanda para magsalita… But it seems to us itong FoodPanda, ayaw back-upan ang kanilang delivery rider,” aniya pa.

Ayon naman sa complainant, sinusubukan niya ring kausapin ang kanyang recruiter para sana matulungan siya sa kanyang problema.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

thirteen − 1 =