Home Features Dex Star nagulat sa ‘TT’ ni Mara Aquino

Dex Star nagulat sa ‘TT’ ni Mara Aquino

304
0

Hanga si Mobile Legends Professional League (MPL) Philippines host Mara Aquino sa professionalism ng team na Blacklist International dahil mababait daw ang mga ito at walang ‘TT.’

Sa kanyang panayam kina coach Kristoffer ‘Bon Chan’ Ricaplaza at mid laner Dexter ‘Dex Star’ Alaba matapos ang 2-1 panalo ng Blacklist kontra Omega nitong Sabado, inamin ni Mara na nababaitan siya sa mga manlalaro ng koponan dahil wala silang ‘TT.’

“Ang grupo niyo, ang babait… walang TT at all online,” wika ni Mara sa panayam.

“Walang ano?” nabiglang sagot ni Dex Star.

Ipinaliwanag naman ni Mara ang ibig sabihin ng TT.

“Trash talk,” paglilinaw ng host.

Maging siya ay natuwa at ipinost ang naturang clip ng panayam sa Twitter.

Ikinatuwa naman ito ng kanyang mga followers.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

two × 5 =