Dedma nga ba ang ABS-CBN kay chief presidential legal counsel Salvador Panelo?

Sa programang Counterpoint ng abogado, kinuwestiyon niya ang coverage ng Kapamilya network sa lamay ng pumanaw na OPM artist na si Claire dela Fuente.

Ayon kay Panelo, dumalo siya sa online necrological service, ngunit hindi raw siya pinakita nang iere ito ng ABS-CBN.

“Lumabas yung balita kahapon… lahat ng mga nagsalita doon na prominente, movie, singers, celebrities andoon. Pero ang inyong lingkod di nila sinama doon. Maraming nakapansin, sabi ‘galit talaga sa ‘yo yung ABS-CBN kasi ikaw lang ang government official doon, high government official pa, hindi kayo sinama.’ Bakit nga naman?,” sambit ni Panelo.

Hindi lang ‘yan ang hinaing ni Panelo, dahil pati ang pagsuporta niya sa laban kontra China ay rin daw binabalita ng naturang network.

“Hindi lang yun, pati yung pahayag na sinuportahan natin si Secretary Teddy Boy Locsin at saka si Secretary Lorenzana, hindi rin nila nilalabas. Bakit? Pero mga kaibigan naman natin ang mga may-ari nila,” diin pa ng opisyal.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *