Home Features Doc Adam elibs kay Kuya Kim

Doc Adam elibs kay Kuya Kim

279
0

Ibang klase talaga ang talino ni Kuya Kim Atienza na kahit pa mga super zoomed in na mga larawan ay kaya niyang alamin kung ano.

Patunay rito ang challenge sa kanya ng Doctor/vlogger na si Doc Adam kung saan binigyan siya ng 10 super zoomed in na mga larawan at dapat hulaan ni Kuya Kim kung ano ang mga iyon.

Ang challenge pa ni Doc Adam, bawat maling sagot ni Kuya Kim ay magdodonate ito ng limang dolyar sa kanya.

Pagkatapos ng challenge, pagkahanga na lamang ang naghari sa doktor dahil nasagot ni Kuya Kim ng tama ang anim sa mga zoomed in na larawan at apat lamang ang pumalya.

Kaya naman, mukhang nasagot na ang tanong ni Doc Adam na “Matalino ba si Kuya Kim” na siyang title ng video ng kanyang vlog.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

one × four =