Home Features Duterte sa ABS-CBN: Kakampanya ba kayo laban sa’kin?

Duterte sa ABS-CBN: Kakampanya ba kayo laban sa’kin?

283
0

Mukhang hindi pa rin nakaka-get over si Pangulong Rodrigo Duterte sa galit nito sa ABS-CBN.

Dumalo si Duterte sa inauguration ng dalawang bagong istasyon ng Light Rail Transit (LRT) Line 2, kung saan in-entertain nito ang katanungan ng ilang press.

Humingi ng clarification si ABS-CBN reporter Joyce Balancio hinggil sa posibleng pagtakbo ni Duterte sa pagka-Bise Presidente.

Nang malamang taga-Kapamilya network si Balancio ay tila nag-iba ang timpa ng Pangulo.

“You are from ABS-CBN? So ABS-CBN is expecting me to… to lose because they will campaign against me?” tanong ni Duterte sa reporter.

Kalmado naman itong sinagot ni Balancio.

“No, Sir… I’m just following up a story regarding a possible vice presidency that you might seek since you’ve mentioned some of, you know, your sentiments in your previous public speeches,” tugon ng reporter.

Ayon kay Duterte, ‘posturing’ lang umano ang sinabi niyang pagtakbo bilang VP at ayaw niyang matratong ‘lame duck’ sa pagbaba sa puwesto sa 2022.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

nine + 5 =