Sa pagdedeklara ni Boxer-Senator Manny Pacquiao ng kanyang pagkandidato bilang pangulo sa 2022 elections, samo’t-sari ang naging reaksyon ng madla.
Sa isang dako, ang beteranong sports analyst na si Ed Tolentino – na taga-suporta ng boxing career ni Pacquiao – ay tila isa sa mga hindi boto sa kanyang naging desisyon.
Sa isang tweet ngayong Linggo, ilang oras matapos ang anunsyo ni Pacquiao ang pagkandidato, sinabi ni Ed na mas mainam pa ang boxing kaysa politika.
Aniya, ito raw ay dahil hindi alam ang tunay na kalaban pagdating sa politika.
“Boxing is better than politics. In boxing, you know exactly who you are fighting. The same cannot be said with politics,” pahayag ni Ed sa kanyang tweet.
Si Pacquiao ang pangalawang indibidwal na nagdeklara ng pagtakbo bilang pangulo sa 2022, kasunod ni Senador Panfilo Lacson.
Boxing is better than politics. In boxing, you know exactly who you are fighting. The same cannot be said with politics. 😉😆😁
— ed tolentino (@edtolentino) September 19, 2021