Home Features Erwin Tulfo tinulak maging kongresista sa ACT-CIS

Erwin Tulfo tinulak maging kongresista sa ACT-CIS

423
0

Kinumpirma ni Anti-Crime and Terrorism Community Involvement and Support (ACT-CIS) Partylist Rep. Eric Go Yap na si Erwin Tulfo ang magiging first nominee ng partylist sa 2022 elections.

“Pagdating po sa ACT-CIS partylist eh nakumbinse ko na po si Erwin Tulfo na siya na po mismo ang magiging nominee ng ACT-CIS Party list,” wika ni Yap noong Miyerkoles.

Si Yap naman ay tatakbo pa rin sa Kongreso ngunit bilang kinatawan ng Benguet.

Ang second at third nominees naman ng ACT-CIS ay sina Jocelyn Tulfo at Nina Taduran. Sister-in-law ni Erwin si Jocelyn.

Noong 2019 elections ay nanguna sa partylist voting ang ACT-CIS nang makakuha ng 2,651,987 boto.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

12 + eight =