Kinontra ni Lynda Jumilla-Abalos ang pahayag ni Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor na fake news umano ang pagtawag ng ABS-CBN na veterinary drug ang Ivermectin.

Sa Facebook page ng kongresista, pinabulaanan nito na veterinary drug ang naturang gamot dahil paliwanag ni Defensor, walang doktor na magpe-prescribe ng gamot para sa mga hayop.

Sa tweet naman ni Jumilla-Abalos, sinabi nito na walang mali sa pagtawag na veterinary drug ang Ivermectin.

“There’s nothing FAKE about calling ivermectin a veterinary drug because here, it IS a veterinary drug. Kahit itanong pa natin sa FDA [Food and Drug Administration],” giit ng mamamahayag, na nagpahapyaw pa na iligal ang pamimigay ng droga na hindi pinapayagan sa batas.

“There is, however, something ILLEGAL about distributing drugs that are not authorized by law. Kahit itanong din natin sa FDA at pati sa DOJ [Department of Justice],” aniya pa.

Matatandaan na hinayag ni Defensor na mamimigay siya ng Ivermectin sa Quezon City para sa mga senior citizen.

Ito’y kahit hindi pa rehistrado ang naturang gamot para gamitin ng publiko, ayon mismo sa Department of Health.

Ang Ivermectin ay isang gamot na ginagamit kontra parasite, kadalasan itong ginagamit para sa mga hayop.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *