“Kahit saan pa tayo lahat mapunta, tayo’y kapamilya. Hindi madali na tayo’y nagkakahiwalay, pero ganoon ang itinakda ng tadhana sa ngayon.”
‘Yan ang naging mensahe ni ABS-CBN veteran journalist Karen Davila sa lipat-bakuran ng tambalan nina Anthony Taberna at Gerry Baja.
Simula sa Agosto 31 ay mapapakinggan na ang dalawang brodkaster sa DZRH, na nakilala sa kanilang programang Dos Por Dos sa DZMM.
Kahit saan pa tayo lahat mapunta, tayo’y kapamilya. Hindi madali na tayo’y nagkakahiwalay, pero ganoon ang itinakda ng tadhana sa ngayon. 🙏🏻
I always say, take the bad with the good, the best is yet to come. God is always good. Good morning ☕️ https://t.co/XN7BvU0wih
— Karen Davila (@iamkarendavila) August 20, 2020