Kakaiba ang nagiging paghanga ni Jeff Canoy sa mga sports journalists dahil na rin kasagsagan ngayon ng Tokyo Olympics.
Sa isang tweet nitong Hulyo 28, ibinahagi ni Jeff na naatasan siya ngayong magsulat ng sports stories at sa dalawang araw pa lamang ng pagiging sports journalist ay nais na raw niyang sumuko.
Kaya naman gayon na lamang ang bilib ni Jeff sa mga sports journalist.
“Grabe rin ‘yung endurance ng sports journos. Because I’ve only been writing sports stories these past 2 days and I want to retire,” saad sa tweet ni Jeff.
Bukod sa kanilang tibay, hanga rin ang TV reporter sa paraan ng pagsulat ng mga ito.
“Also grabe ‘yung pressure nila to write in a way that gives justice to these historic wins. Saludo sa inyo! Ang daming ang gagaling ng sulat,” dagdag pa nito.
Grabe rin ‘yung endurance ng sports journos. Because I’ve only been writing sports stories these past 2 days and I want to retire.
Also grabe ‘yung pressure nila to write in a way that gives justice to these historic wins. Saludo sa inyo! Ang daming ang gagaling ng sulat
— Jeff Canoy (@jeffcanoy) July 28, 2021