
Dama ng mga netizen ang naging headline ng TeleRadyo tungkol sa ayuda na pinamamahagi ngayong enhanced community quarantine (ECQ).
Sa ulat nitong Miyerkoles, inulat ng TeleRadyo ang pagsisimula ng pamimigay ng ayuda sa Caloocan, ngunit tila may halong ‘real talk’ sa ulo ng naturang balita.
Ayon sa headline, “Pamamahagi ng kakarampot at di sapat na ayuda sa ECQ, sinimulan na sa Caloocan”.
Binahagi ito ng anti-administration page na MalacaƱang Events and Catering Services, kung saan maraming netizen ang nag-react.
“It’s as if the reporter was the first to receive the meager ayuda and wrote the headline out of spite. Lol,” ayon kay Zandro Amador.
“Nice one teleradyo. Iba talaga mag realtalk ang Abs Cbn.. Kaya galit sa Inyo ang may mga anomalya eh. Pero Yung Kakarampot at di sapat talaga ang nag dala sa caption,” sambit naman ni Anne Evangelista Malasa.
Ang ayudang ipamimigay sa ECQ ay nagkakahalaga ng P1,000 kada tao, P4,000 naman kada kabahayan.