Home Features Ginintuan ang puso! Anak ni Raffy Tulfo namimigay ng P20K sa mahihirap

Ginintuan ang puso! Anak ni Raffy Tulfo namimigay ng P20K sa mahihirap

997
0

Ginintuan ang puso! Anak ni Raffy Tulfo namimigay ng P20K sa mahihirap

Imbes na makatanggap ng regalo sa kanyang kaarawan, mas nais pa ni Ralph Tulfo ang magbahagi ng kanyang mga blessing sa mas nangangailangan.

Sa bagong Youtube video ng Raffy Tulfo in Action, binahagi ni Ralph ang kanyang taon-taong ginagawa tuwing kanyang birthday — ito ay ang pagbubukas ng kanyang alkansya at lahat ng kanyang ipon ay binibigay niya sa mahihirap.

Nakaipon ng P100,000 sa kanyang alkansya ang anak ni Idol Raffy Tulfo, ngunit hindi lang ‘yan ang kanyang binahagi dahil dinagdagan niya pa ito ng isa pang P100,000.

Bukod pa dito ay tinanggihan niya ang mga regalo para sa kanya at hiniling na gawin na lang itong cash kung saan nakalikom pa siya ng P170,000 para sa total na P370,000.

Lahat ng kanyang naipon ay ibibigay niya sa 18 na mahihirap na pamilya, na kanyang personal na pipiliin sa isang post sa Facebook page ng Raffy Tulfo in Action, kung saan bawat isa ay makakatanggap ng P20,000.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

eleven − eight =