
Mas marami pang maaabot ang GMA News sa pagbubukas nila ng TikTok.
“Nasa TikTok na ang GMA News!” saad sa Facebook post ng network.
“I-follow ang GMA News TikTok account para mapanood para mapanood ang aming mga exclusive online videos,” dugtog pa nito.
Ayon sa GMA, maaari silang mai-follow sa tiktok.com/@gmanews.
Kilala ang TikTok bilang video sharing platform na kinagigiliwan ng marami, partikular mga Pilipino.