Home Features Golden ang birthday! Mark Zambrano kinilig kay Hidilyn

Golden ang birthday! Mark Zambrano kinilig kay Hidilyn

285
0

Hindi man bongga sa handaan, masasabi pa ring bigtime ang naging kaarawan ni Mark Zambrano nitong Agosto 12.

Ito ay dahil isa lang naman sa bumati sa kanyang kaarawan si Olympic gold medalist Hidilyn Diaz.

Isang video message ang pinadala ng manager ni Hidilyn na si Noel Ferrer na naglalaman ng mensahe ng weightlifter.

“Happy happy birthday po kuya Mark ingat po kayo lagi ni ate Aicelle and Zandrine, God bless you po and hope to see you soon,” saad ni Hidilyn sa video message.

At syempre, ikinatuwa ni Mark ang naging regalo sa kanya ni Ferrer.

“Just received a golden birthday greeting from someone who not only has a golden heart but a golden love for this country! Salamat to our Olympic gold medalist Hidilyn Diaz,” saad naman sa caption ni Mark.

Ito ang ika-44 kaarawan ni Mark, kaya’t bukod sa pabati ni Hidilyn, unang nakaalala sa kanya ang asawang si Aicelle Santos.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

11 − 4 =