Home Features Granada naispatan sa labas ng Philippine Star office

Granada naispatan sa labas ng Philippine Star office

21
0

Isang granada ang naispatan ng isang may-ari ng kariton nitong Linggo ng umaga, sa Port Area, Maynila.

Ayon sa Manila Police District, ini-report ang granada bandang alas-9:30 ng umaga, kung saan nakita na wala na itong pin nang makita.

Ang kariton ay nakapuwesto malapit sa opisina ng Philippine Star.

Ayon naman kay Port Area Police Precinct commander Capt. Rey Bundalian, ang granada ay hindi pananakot sa Philippine Star. Posible umanong inilagay lang ang pampasabog sa kariton para maitapon ito.

Lahad ng Manila Police District, sinira na ng Explosive and Ordnance Division ang triggering mechanism ng granada para hindi na ito sumabog.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

three × three =