Home Features Gretchen Ho bumukod na, nag-solo sa condo

Gretchen Ho bumukod na, nag-solo sa condo

468
0

Umalis na sa poder ng kanyang pamilya ang TV5 host na si Gretchen Ho.

Sa vlog ni Gretchen, pinaliwanag nito na kinailangan niyang tumira sa condo dahil na rin sa takot na ma-infect ang kanyang pamilya ng COVID-19.

“I moved out because I have work every day in the studio. I don’t want to risk it, I don’t want to bring the virus home to my family and we don’t know what will happen to this pandemic,” saad ni Ho.

“So I told my parents I have to move out and that mind set na ‘wala, kailangan talaga natin mag-solo living, mag-adulting, mag-condo living, and embracing this new chapter of my life.”

Ayon pa sa dating volleybelle, malaking bagay para sa mga pamilyang Fil-Chinese ang pagbukod, dahil kadalasang ginagawa lang ito kapag nagpakasal na.

Sey pa ni Gretchen, taong 2016 pa niya nabili ang kanyang condo at 2020 lang ito na-turn over sa kanya.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

12 − eleven =