Home Features Gretchen Ho: Pinoy import abroad win-win sa ‘Pinas, ibang liga

Gretchen Ho: Pinoy import abroad win-win sa ‘Pinas, ibang liga

305
0

Walang nakikitang mali si sports anchor Gretchen Ho sa paglipad ng mga Pinoy players sa Japanese Basketball League at sa iba pang overseas tournaments.

Inilahad ni Ho ang kanyang komento sa isyu matapos sumabay si Gilas guard Dwight Ramos sa mga lalaro sa B. League. Si Ramos na ang pang-walong Pinoy na naroon.

Para kay Ho, hindi naman ganoon kahirap para sa mga Pinoy player ang maglaro sa ibang bansa dahil malakas pa rin naman ang presensya roon ng mga kababayan para sumuporta.

“Easier to make the decision now since these athletes can remain exposed to the PH audience despite being abroad,” saad sa tweet ni Ho.

Dagdag pa niya, makikinabang din naman ang overseas leagues dahil makakakuha sila ng international viewers mula sa Pilipinas.

“Lucrative also for the int’l leagues in growing their following since Pinoys are very active online. Power of social media,” dugtong pa niya.

Higit sa lahat, naniniwala si Ho na kaya napapansin na ang mga Pinoy player ay kaya nilang makipagsabayan sa laro ng ibang lahi.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

13 + one =