Home Features Gusto double pay! Korina nainis sa demanding na aplikante

Gusto double pay! Korina nainis sa demanding na aplikante

319
0

Natarayan ni Korina Sanchez ang isang aplikante dahil sa demand nito na doble dapat ang kanilang suweldo.

Sa Instagram post ng TV5 host, kinuwento nito ang isang pangyayari habang kausap niya ang isang aplikante para maging production assistant.

Nang tanungin siya kung magkano ang suweldo, pinaliwanag ni Korina na half pay sila sa ngayon dahil sa COVID-19 pandemic.

Ngunit hindi nakumbinsi ang aplikante at gustong doblehin ang suweldo dahil gipit daw sila.

Kaya naman sey ni Korina sa nag-apply, “Sige uwi ka na. Wag ka na babalik ha. Next please?”

Patama pa ni Korina, tila bumaligtad ang utak ng ibang tao dahil sa COVID-19.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

11 + eleven =