Home Features Gusto pa rin magtrabaho! Ted Failon sapol ng COVID-19

Gusto pa rin magtrabaho! Ted Failon sapol ng COVID-19

405
0

Inanunsyo ni Radyo5 broadcaster Ted Failon na tinamaan siya ng COVID-19.

Sa pahayag ni Failon, March 28 nang mabalitaan niyang isang katrabaho ang nagpositibo sa virus at kinunsidera siyang close contact nito.

Kaagad siya’y nag-isolate at sumalang sa COVID-19 test noong March 29, at dito nakita na positibo rin siya sa naturang virus.

Ayon kay Failon, sa kasalukuyan ay asymptomatic siya at naka-quarantine sa kanilang tahanan.

“I am praying that I do not develop any symptom and if at all possible, I can continue working from home, via any communication means that is achievable, given the current state I am in,” lahad ng batikang broadcaster.

Ang co-anchor naman niyang si DJ Chacha ay nagnegatibo sa COVID-19.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

one × 3 =