
Maraming nakapansin sa bagong promotional material ng ABS-CBN at GMA kung saan makikita ang pagkakapareho ng isa’t isa.
Sa news release ng ABS-CBN noong May 6, makikita ang isang poster kung saan nakalagay ang bawat logo ng kanilang iba’t ibang platform.
Kasama dito ang TFC, TeleRadyo, ANC, Cinema One, MYX, maging ang TV5 kung saan pinalalabas ang ilang programa ng ABS-CBN buhat nang mawala sa ere ang naturang network.
May 9 naman ay nag-post ng video ang GMA sa kanilang social media, kung saan binida rin nila ang kanilang mga platform.
Pinuna ito ng ilang netizen kung saan sabi pa ng iba ay mukhang ginaya at gusto pang higitan ang ABS-CBN.
HAHAHAHHA magkaibang magkaiba ang hanash dapat diyan. Ang inconsiderate ng GMA to create that and to compete. Hindi head-to-head at balance kung balak nila ang kumpetensya. Pati artist center inilaban hahahahaha. https://t.co/lYl8XE6j6E
— tyan (@xtianaban) May 10, 2021
Nako GMA dapat isinama nyo na din ang HR department, accounting at maintenance. https://t.co/ZWeXDoh13o
— Anima Cristi Fermin (@altcristyfermin) May 9, 2021
I really dont know what happen to gma7, sila yung may prangkisa pero sila yung nakikisabay/nakikigaya hays self-proclaimed pa https://t.co/uSkwVvJYt4
— พี่'บานนี (@imbannilicious) May 9, 2021
Hoy bes patingin naman assignment mo. Di ko kokopyahin lahat. Basis ko lang.
— /lü-'wi-ji/ (@luigie2k19) May 9, 2021
May GMA news tv pa ba? Akala ko GTV na yun. Tas GMA ilang GMA logo ang gusto niyung ilagay? Para masabi lang ba na buo ang puso? Nakakatawa na nakakaawa Kasi parang sa abs kayo nagrirely ng concept o content niyo hahahaha. https://t.co/5BdgZVdD2K
— bgyo_jerayu (@bgyo_jerayu) May 9, 2021
Anez yung GMA Store parang di ako aware dun? GMA Pictures? Bakit inulit yung logo ng GMA? Bakit sinama yung Script2010 at Kapwa ko Mahal Ko? Channel ba sila? Para saan ito @AltrGMARainbow @AltA2ZChannel11 ipapasara din ba ang seven? https://t.co/hVPdKhjFZF
— Lex (@Lexkza) May 9, 2021