Bukod sa mga kahanga-hangang tennis player, may iba pang nakitang kakaiba si Howie Severino habang nanonood ng US Open.

Aniya, nakakapagtaka kung bakit wala ng suot na face mask ang crowd.

“I was watching the #USOpen and noticed that hardly anyone in the crowd was wearing a mask. What were the risks of a superspreader event?” pahayag ni Howie sa kanyang tweet.

Sa sumunod pa niyang tweet na siyang reply kay Ryan Songalia, naisip ni Howie na kung wala ng face mask ang crowd sa US Open dahil bakunado na sila, bakit hindi ito pairalin din sa mga naturukan na sa Pilipinas.

“I’m wondering if anyone is monitoring any transmission from that and other big events. If deemed low risk, then maybe the vaccinated here can also start attending events?” ayon kay Howie.

Samantala, sa Pilipinas ay kasama pa rin ang mga bakunado sa mga umiiral na lockdown, bagamat may ilan nang nagmumungkahi na bigyan ng pribilehiyo ang mga bakunado.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *