Isang taon na buhat nang mawala sa ere ang ABS-CBN.
Ito’y kasabay ng COVID-19 pandemic, dahilan para mawalan ng trabaho ang libo-libong empleyado sa kabila ng krisis na hinaharap ng bansa.
Sa Twitter, inalala ng mga Kapamilya ang masalimuot na araw nang piringan ang ABS-CBN ng gobyerno.
Ayon kay ABS-CBN News editor Tarra Quismundo, hinding hindi niya makalilimutan ang sakit nang mag-sign off sa huling pagkakataon ang Kapamilya network.
“I’ll never forget the pain of this moment. The past year has been a lesson in strength. But see, we’re still standing. And millions are still watching, reading, sharing, engaging,” ayon kay Quismundo.
I’ll never forget the pain of this moment. The past year has been a lesson in strength. But see, we’re still standing. And millions are still watching, reading, sharing, engaging. We’re not the same, but we’re still your ABS-CBN. In the Service of the Filipino. #IbalikAngABSCBN pic.twitter.com/Jwkrq3AQ7t
— Tarra Quismundo 🇵🇭 (@TarraQuismundo) May 5, 2021
Sinariwa din ni Jeff Canoy ang ilang pangyayari noong May 5, 2020 matapos ilabas ang cease and desist order laban sa ABS-CBN.
Finally had the courage to go through photos I took of May 5 from an SD card I had long ignored.
Masakit pero kailangan alalahanin at gunitain.#NeverForget #IbalikAngABSCBN pic.twitter.com/oxZDy50p6d
— Jeff Canoy (@jeffcanoy) May 5, 2021
Ayon sa National Union of Journalists of the Philippines, umaasa silang makabalik sa ere ang ABS-CBN para patuloy na maglingkod sa mga Pilipino, saan man sa mundo.
“We stand with them today in the hope—the certainty—that ABS-CBN will be back on air and will continue the vital work that it has been doing to inform as well as entertain in the service of the Filipino,” saad ng grupo.