Pinahangang muli ni Manila Mayor Isko Moreno si Karen Davila.
Ito ay matapos pasalamatan ni Isko si Pangulong Rodrigo Duterte sa paglalaan ng pondo para sa ayuda ng mga taga-Maynila dahil sa umiiral na lockdown.
Matatandaang naging usap-usapan na si Mayor Isko ang pinapatamaan ni Duterte na pumuporma sa mga sexy photo noon, bagamat hindi naman ito pinangalanan.
Kaya naman, bilib si Karen dahil imbis na gumanti sa patutsada ay nagpasalamat pa ang alkalde sa pangulo.
“SMART MOVE. – In a surprising move, Moreno thanks Duterte as cash aid distribution in Manila pushes through,” saad sa tweet ni Karen noong Agosto 11.
SMART MOVE. – In a surprising move, Moreno thanks Duterte as cash aid distribution in Manila pushes through https://t.co/LAnzgG9aeX
— Karen Davila (@iamkarendavila) August 10, 2021