Home Features Inako sisi sa talo! Sarmenta bilib kay Pacquiao

Inako sisi sa talo! Sarmenta bilib kay Pacquiao

329
0

Muling bumilib ang batikang boxing commentator at analyst na si Sev Sarmenta sa ginawang pag-aako ni Manny Pacquiao ng sisi sa kanyang pagkatalo noong Agosto.

Matapos ang pagkabigo ni Pacquiao kay Yordenis Ugas, inilahad ng ‘Pambansang Kamao’ na pinulikat ang kanyang mga binti kaya nahirapan lumaban.

Kaya naman, sinisi ni coach Freddie Roach ang strength and conditioning trainer ni Pacquiao na si Justin Fortune sa kinahinatnan ng binti ni Pacman.

Kaya para matigil ang gusot, inako ni Pacquiao ang lahat ng sisi sa kanyang pagkatalo.

Hindi na nagulat dito si Sarmenta.

“Manny Pacquiao has never been the type to blame others for his ring setbacks,” pahayag ni Sev sa isang tweet.

Nilinaw rin ni Pacman na noong kasama niya ang mga miyembro ng kanyang team ay maayos naman ang mga ito sa isa’t-isa.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

five × three =