Home Features Inupahang condo tinakasan! Alma Moreno nireklamo kay Tulfo

Inupahang condo tinakasan! Alma Moreno nireklamo kay Tulfo

23
0

Dumulog kay Raffy Tulfo ang isang Pinay na tinakasan umano ni Alma Moreno sa inupahang condo ng aktres.

Kwento ni Theresa Grenard, may-ari ng condo unit sa Azure Residence sa ParaƱaque, lumapit sa kanya si Moreno para upahan ang kanyang unit.

Sambit ni Theresa, hindi niya talaga pinauupa ang kanyang condo unit, ngunit dahil tiwala siya kay Moreno lalo’t nagtatrabaho ang kanyang kapatid para sa aktres ay pumayag siya.

Napag-usapan na isang buwan lang titira si Alma sa condo, kung saan nagbayad ito ng P35,000, magsisimula ang pagtira ng aktres mula Agosto hanggang Setyembre.

Ngunit ayon kay Theresa, tumagal pa daw hanggang Pebrero si Moreno sa kanyang unit.

Ayaw umanong makipag-usap sa kanya ni Alma, at ang tanging hinahabol niya lang ay ang electric bill na umabot na sa lampas P40,000.

Tumanggi naman si Moreno na magsalita on air, ngunit ayon sa staff ni Tulfo, sinabi umano ng aktres na alam daw ng Diyos na wala siyang kasalanan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

6 − 2 =