Home Features Iya nakagawa ng matinding kasalanan kay Drew

Iya nakagawa ng matinding kasalanan kay Drew

275
0

Jackpot umanong maituturing para kay Iya Villania ang maikasal kay Drew Arellano.

Kinuwento ni Iya sa isang episode ng ‘Mars Pa More’ na nakagawa siya ng matinding kasalanan kay Drew noon na inasahan na niyang makikipag-break ito sa kanya.

“Sabi ko, ‘If I were you, I’d break up with me,'” kwento ni Iya. “Tapos hagulgol ako, cry, cry, cry, kasi siyempre sabi ko ‘I don’t deserve you.'”

“Alam mo kung ano ang sabi niya sa akin? Sabi niya ‘Call me this or call me that, but I still have faith in you,'” dugtong pa ni Iya.

“Naka-jackpot ako!”

Ayon pa sa TV host, unconditional love ang naranasan niya sa asawa.

“That’s really when I felt now, ‘Wow okay, this is unconditional love because he still knew where my heart was. He still knew me despite the mistakes that I had made. And not just once, but thrice. ‘I’m still willing to love you,” pahayag pa niya.

Ikinasal ang dalawa noong 2014 at ngayo’y may tatlong anak.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

seventeen − 10 =