Hindi naiwasan ni Jeff Canoy na mapa-react sa isang comment ng netizen na sinasabing patay na raw siya.

Sa comment ng isang ‘CJ Navarro’, sinabi nito na pumanaw na raw ang ABS-CBN journalist.

Agad naman itong pinalagan ni Canoy, at nanakot pang mumultuhin ang nagpakalat ng fake news.

Naaliw naman ang ilan pang kasamahan sa industriya ni Canoy dahil ayon sa troll, 1964 daw pinanganak ang mamamahayag.

“1964 ka pala. Stop calling me ‘tito’,” biro ni Inquirer business journalist Dax Lucas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *