Home Features Julius Babao nagluksa sa pagpanaw ni Orestes Ojeda

Julius Babao nagluksa sa pagpanaw ni Orestes Ojeda

395
0

Inalala ni Julius Babao ang namayapang aktor na si Orestes Ojeda.

Sa simpleng Instagram post ay ibinahagi ni Julius ang isang litrato kasama si Ojeda.

“Good times with dear friend @orestesojeda. We miss him already,” saad sa post ni Julius nitong Hulyo 27.

Ang post ni Julius ay ilang oras lamang matapos ideklara ng pamilya ng aktor na pumanaw na ito dahil sa pancreatic cancer.

Edad 17 pa lamang si Ojeda nang simulantniya ang showbiz career at nakilala sa mga pelikulang ‘Scorpio Nights’, ‘Manila By Night’, ‘City After Dark’, at ‘Kambal sa Uma’.

Si Ojeda ay namatay sa edad na 68.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

3 × four =