
Tila walang pakialam ang dalawang matigas ang ulo sa quarantine protocol na tinakda ng gobyerno para sa COVID-19 pandemic.
Nakuhanan ni GMA 7 reporter Jun Veneracion ang ginagawa ng dalawang pasahero kung saan nagawa pang mag-vape sa loob ng jeep.
Nangyari umano ito sa EDSA-Muñoz noong nasa striktong lockdown pa ang Metro Manila.
Pinagbabawal ang paninigarilyo sa pampublikong lugar dahil sa banta ng COVID-19.