Home Features Kapag English pwede! Bakit bawal sa TV ang puke, salsal? – Raffy...

Kapag English pwede! Bakit bawal sa TV ang puke, salsal? – Raffy Tulfo

62
0

Napatanong si Raffy Tulfo kung bakit bawal banggitin sa telebisyon ang ilang salita tungkol sa parte ng katawan ng tao o kaya’y seksuwal na termino.

Sa ‘Wanted sa Radyo, sinabi ni Raffy na kapag vagina o kaya’y masturbate ang kanyang sinasabi noon ay hindi siya napagsasabihan.

Ngunit kapag puke o kaya’y salsal ay napapatawag siya sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).

“Pag doon sa TV5 sa baba, magsalita ka ng ‘puke ng babae’, yari ka, mamarkahan ka,” ayon kay Tulfo. “Pero ‘pag sinabi mong vagina, okay lang. Bakit ganoon?”

“Naalala ko many years ago, noong nagla-live pa tayo dito sa Aksyon TV, nagsalita ako sabi ko salsal, pinatawag agad ako ng MTRCB,” kwento pa niya. “Pero maraming beses sinasabi ko masturbate, okay lang!”

“Bakit ‘pag English pinapalampas, kapag Tagalog, marumi?”

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

one × three =