Home Features Kara David, Joseph Morong winner! Kapuso humakot sa 8th Paragala Awards

Kara David, Joseph Morong winner! Kapuso humakot sa 8th Paragala Awards

388
0

Humakot ng parangal ang Kapuso network sa katatapos lamang na 8th Paragala: The Central Luzon Media Awards na ginanap virtually noong Agosto 28.

Wagi sina Kara David at Joseph Morong ng Crisis Coverage Award: Top News Personality” award.

Ang docu naman ni Howie Severino sa I-Witness na pinamagatang “Ako si Patient 2828” ng “Outstanding COVID-19 Documentary” award.

Bukod sa mga reporter, kinilala rin ang mga programa ng GMA-7 gaya ng Biyahe ni Drew na wagi ng “Paragala Pang Kultura” award.

Ang isa pang palabas ni Drew Arellano, ang AHA!, ay nanalo naman ng “Paragala Pang Likhaan” award.

Maging ang palabas na Daig Kayo ng Lola Ko ay naiuwi ang “Paragala Pang Pamilya” award.

Bukod pa rito, ang bagong Kapuso na si Bea Alonzo ay kinilala bilang “Paragala Pang Lingkod Bayan.”

Ang huling Kapuso show na nanalo ay ang The 700 Club Asia na inuwi ang “Paragala Pang Kapakanan: Traditional Spiritual Program” award.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

10 − 10 =