Home Features Kara David may patikim sa bagong vlog

Kara David may patikim sa bagong vlog

432
0

Nilagyan ni Kara David ng kakaibang sangkap ang kanyang YouTube channel nang magpalabas ito ng trivia tungkol sa ilang pagkaing Pinoy sa kanyang latest vlog.

Kilala ang channel ni Kara bilang informative, at nagbibigay ng maraming kaalaman sa mga manonood nito.

At sa vlog na naipost noong Agosto 8, trivia ng mga pagkain gaya ng adobo, sinigang at tinola ang binigyang-diin ni Kara.

Dito rin niya binahagi na kailan lang ay nakatanggap siya ng Certificate in Cooking and Baking Skills sa Center for Asian Culinary Studies.

β€œI am not a certified chef but I am definitely a food enthusiast. And my love for Filipino food, history and culture was further deepened when I started hosting ‘Pinas Sarap’, a food travel show on GMA News TV,” saad sa description ng video.

β€œIn this video, I share with you some tidbits of information that I learned from my travels in the Philippines and from reading history books,” dagdag pa ni Kara.

Ang YouTube channel ni Kara ay mayroong higit 167,000 subscribers.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

10 + 5 =