Home Features Karen Davila dinepensa si Isko: Sana walang pang-iinsulto porke kalaban sa 2022

Karen Davila dinepensa si Isko: Sana walang pang-iinsulto porke kalaban sa 2022

334
0

Sa gitna ng namumuong tensyon sa pagitan nina Pangulong Rodrigo Duterte at Manila Mayor Isko Moreno ay to the rescue si Karen Davila para ipagtanggol ang alkalde sa pang-iinsulto ng pangulo.

Nitong Lunes ay pinaringgan ni Duterte ang isa umanong opisyal na may mga sexy photos noon, bagamat hindi niya pinangalanan kung sino ito.

Maging ang Palasyo ay itinangging si Moreno ang tinutukoy ni Duterte, ngunit kung nakaraan ang pag-uusapan, dating nagkaroon ng sexy role sa showbiz ang alkalde.

Ngunit para kay Karen, ‘di dapat ungkatin ang nakaraan para siraan si Moreno.

“Galing sa matinding hirap si Isko Moreno. Kailan man di niya ipinagkaila ang kanyang pinanggalingan. He has tried to better himself through the years & succeeded,” saad sa isang tweet ni Karen.

Dagdag pa ng broadcaster, umaasa siya na hindi gamitin ang ganitong klase ng pangiinsulto dahil sa away-politika.

“Sana lang wala nang ganitong pangiinsulto sa kapwa porket kalaban sa 2022.”

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

8 + fourteen =